Tuesday, October 20, 2009
Totoo bang hindi naghuhugas ng kamay ang mga lalaki paglabas ng C.R?Bakit?
Hindi yan totoo dahil syempre naglalabas sila ng dumi sa katawan at ang amoy ng dumi ay nanatili sa c.r kaya naghuhugas sila ng kamay. Lalung-lalo na kung nag pupu sila ito ay madumi at mabaho kaya hinuhugasan nila ang kanilang kamay. Madalas rin napapansin ko sa lalaking galing sa c.r nababasa ang kanilang buhok kaya dahil gusto nilang maging "wet look" lalung-lalo na kung may date kaya ito ang nagpapatunay na naghuhugas sila ng kanilang kamay.
Sunday, October 18, 2009
Anong top 5 na lagi mong ginagawa pagka gising mo sa umaga? Bakit?
Ang una kong ginagawa pagkagising ko sa umaga ay nanalangin sa Panginoon na gabayan ako sa lahat ng aking gagawin. Pangalawa ay titingnan ko ang aking cellphone kung may mensahe at titingnan ko rin ang oras. Pangatlo ay aayusin ko ang aking higaan at lilinisin ko ang aking kwarto. Pang apat ay maliligo ako para maging presko at malinis ang aking pakiramdam. At panglima ipagpapatuloy ko ang paglilinis sa aming bahay. Ito ang mga lagi kong ginagawa tuwing pagkagising ko sa umaga dahil ito ang turo ng aking mga magulang at ito'y akin na ring nakasanayan. Hindi nakukumpleto ang aking araw at hindi ko magagawa ang gusto kong mga gagawin kong hindi ko pa nagagawa ang 5 gawain na ito.
Anong masasabi mo sa konsepto ng "Relief Good Campaign"?
Oo, sang-ayon ako dahil ang gutom ang pangunahing problema ng ating bansa sa kadahilanang tumataas ang ating populasyon at maraming walang trabaho kaya maraming nagugutom. Sa pamamagitan ng programang ito, kukunti na lang ang mga taong nagugutom lalung-lalo na ang mga batang nasa kalye. Ayon pa sa balita na lumiit ang pursyento ng mga taong nagugutom sa ating bansa ng nagkaroon ng "Relief Good Campaign" sa Manila kaya malaking tulong din ito.
Pumili ng top 5 na Presidentiable candidates at bakit sila?
Pumili ng top 5 na Presidentiable candidates at bakit sila?
Manny Villar
Siya ang isa sa mga napili ko dahil marami siyang natutulungan lalung-lalo na sa mga mahihirap na walang mga bahay. Ito ang isa sa mga problema ng ating bansa ang magkaroon ng sariling tahanan ang mga walang bahay. Siya ay galing sa mahirap na pamilya at dahildito alam niya ang nararamdaman ng mga mamamayan sa ating bansa. Nakikinig siya sa boses ng lahat at ito ang isa sa katangian ng isang mabuting Pangulo.
Saturday, October 17, 2009
Pumili ng top 5 mo na presedentiable candidates at bakit sila?
Loren Legarda
-Isa siya sa aking napili na mamahala sa ating bansa dahil sa kanyang angking katangian na palaban ngunit matulungin. Noong si Mr. Joseph Estrada Jr. pa ang ating presidente isa sa magandang nagawa ni Mrs. Legarda ay kausapin ang mga MILF na makipagkasundo at hindi na gagawa ng gulo. Siya ay pumupunta sa lugar ng mga Muslim na kung saan nagpapakita ng pantay-pantay na pagtrato sa iba't-ibang relihiyon.At maaaring ito ang maging dahilan ng pagkakaisa.
Pumili ng top 5 mo na presedentiable candidates at bakit sila?
Mr. Palengke
-Isa siya sa aking napili dahil siya ay may pusong gustong tumulong sa mga mahihrap. At may kapasidad siyang mamahala sa ating bansa. Malapit ang kanyang loob sa masa lalung-lalo na sa mga mahihirap. Siya ay may pusong bumigay sa mga nangangailangan at malakas na pananalampalataya at malaking takot sa Panginoon
Pumili ng top 5 mo na presedentiable candidates at bakit sila?
Mr. Noynoy Awuino
-siya ang isa sa aking napili dahil kagaya ng kanyang mga magulang na mahuhusay pagdating sa pamamahala. Nananalaytay sa kanyang dugo ang dugong ipaglalaban ang katarungan ng isang mamamayan, totoo sa sarili at kahusayang galing sa kanyang mga magulang. At sigurado ako na hinding hindi niya ipapahiya ang kanyang mga magulang.
Sang-ayon ba kayo sa Pagpapatayo ng isang Coal-Fired Power Plant sa Saranggani?
Para sa akin hindi ako sang-ayon sa Coal-Fired Power Planting dahil may mga sariling pangkabuhayan na ang mga tao doon at baka ito ay maikakasira sa kagandahan ng Sarangani. Ang Sarangani ay mayroong maraming mga puno, magagandang tanawin at presko ang hangin.Kaya hindi ako papayag sa Coal-Fired Power Planting dahil gusto kong mapanatili ang katangian ng Sarangani. Isa sa mga hanapbuhay ng mga taong nakatira sa Sarangani ay ang paggawa ng uling kaya hindi na kailangan ng Coal-Fired Power Planting doon. Ang pagpapatayo ng ganitong klaseng negosyo sa Sarangani ay maaaring makaapekto sa kabuhayan ng mga naninirahan doon.
Anong aral ang titnuturo ng mga dilubyong dumaan?
Ang aral na tinuturo ng mga dilubyong dumaan ay dapat pangalagaan natin ang ating kalikasan o kapaligiran at ang mga biyaya na ating Panginoon. Dapat din tayong maging handa parati dahil hindi natin alam kung kailan at saan magkakaroon ng ganitong klaseng dilubyo. Hindi din natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo kaya siguraduhin natin na ang lahat na ating ginagawa ay naaayon sa kagustuhan ng Panginoon. Dapat din nating sabihin at ipadama ang ating pagmamahal sa ating mga minamahal na kaibigan, kapatid at lalung-lalo na sa ating mga magulang. At dapat din tayong humingi ng kapatawaran sa taong ating nagawan ng kasalan bago maging huli ang lahat.
Anong masasabi mo sa mga batang nanghihingi ng limos, totoo ba kaya ang kanilang kalagayan o parte sila ng isang sindikato? Bakit?
Sa aking palagay ang mga kabataang nanghihingi ng limos ay nakakaawa. Maaaring sila ay inuutusan ng kanilang mga magulang dahil sa kawalan ng perang pambili ng pagkain o di kaya sa katamarang maghanap ng trabaho. Ang mga kabataan ay sumusunod lamang sa iniuutos o ginagawa ng magulang kaya nanglilimos sila.
Alcoholic na ba ang mga kabataan ngayon?
Oo, dahil halos lahat ng mga kabataan ngayon ay madalas umiinom ng alak dahil sa ibat-ibang rason. Umiinom sila dahil sa problema sa bahay, pagkabigo sa pag-ibig o sa mga ninanais, at dahil sa impluwensya ng mga magulang na madalas ring umiinom. Dahil dito iniisip ng mga kabataan na ang alak ang sagot para makalimutan ang mga kanilang mga problema, kabiguan at sa kadahilanang kanila na rin iotng nakasanayan. Marami na nag mga kabataan ang umiinom ng alak ngayon. May nalululong sa alak at meron ding umiinom lang tuwing may okasyon o Katuwaan lamang.
Saturday, October 10, 2009
Ang pananalanta ng bagyong Undoy ay dapat isisi kanino?
Ang pananalanta ng bagyong Undoy ay dapat isisi sa mga taong hindi marunong magpahalaga sa kapaligiran at kalikasan. Dahil hindi nila pinangangalagaan ang biyaya ng Diyos na kung tutuusin tyo rin ang makikinabang. Ang tao ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng ibat-ibang polusyon sa mundo at dahil dito mas napalupit ang dulot ng bagyong Undoy.
Ang tao ba ang may ganap na kontrol sa kanyang buhay?
Oo, ang tao ang may ganap na kontrol sa kanyang buhay dahil ang tao na mismo ang nagdidisisyon sa kanyang sarili.Inuutusan tayo ng Panginoon ngunit binigyan tayo ng kalayaan ng Panginoon na magpasya kung susundin ba natin o hindi. Ang tao ang pumipili sa kanyang landas na tatahakin sa tamang landas ba o sa masamang landas. Gustuhin man ng Panginoon na siya ang magkokontrol sa buhay ng tao ngunit ang tao parin ang magpapasya kung hahayaan niyang ang Panginoon ang magkokontrol sa kanyang buhay.
Subscribe to:
Posts (Atom)